Ginisang ampalaya sa itlog na maalat
Ginisang ampalaya sa ilog na maalat
Ingredients:
1/2 kilo ng ampalaya
2 itlog na maalat ( my homemade itlog na maalat )
3 cloves ng garlic ( crushed )
Cooking oil
Salt and pepper to taste
Procedure:
Sa isang bowl mag ready ng 1 litro ng tubig na hinaluan ng 1 kutsarang asin. Gayatin ang ampalaya ng maninipis at ibabad sa salt and water solution ng 15 minutes pagkatapos ay hugasan at i drain ang excess water.
Tanggalin ang shell ng salted eggs at i separate ang dilaw sa white,durugin ang dilaw gamit ang fork,hiwain nman ng maliliit ang puti.
Painitin ang kawali ilagay ang matika kapag mainit na igisa ang bawang at dilaw ng itlog na maalat.hayaang lumabas ang aroma ng bawang at dilaw ng itlog. Isunod na ang ampalaya halu haluin at lagyan ng asin at paminta,takpan hayaan kumulo ng mga 3 to 5 minutes. Pagka tapos ay ilagay na ang puti ng itlog haluin sandali at ilipat sa serving plate.
Comments
Post a Comment