Homemade pineapple jam



Pineapple jam 

Ingredients:
    2 medium Size fresh pineapple (puree)
    200 cc fresh pineapple juice(from puree)
    200 g brown sugar / white sugar 
    100 g pandan water ( 3 to 4 leaves )
    3 tbsp calamansi/ lemon juice 
    1-2 tbsp honey( optional )

Procedure:
    Balatan at hiwain ang pineapple ng square na maliliit.ilagay sa blender or food processor. I blend hanggang maging smooth. Isalin sa strainer hayaang ma drain ang tubig. ( Kung gagawa ng pineapple paste i Press ang  pineapple, kailangan n mas dry kesa pang gawa ng jam.)
    I set aside ang juice, i ready ang kaserola ilagay ang pineapple at sugar at Isalang sa kalan  i on ang apoy, kailangan mahina lng Upang hindi masunog. Halu haluin hanggang matunaw ang asukal.Hayaan kumulo ng mga 5 minutes at ilagay ang pandan haluin ng paminsan minsan upang hindi dumikit sa kaserola. Hayaan kumulo ng 5 minutes.
    Isunod na ang kalamansi/lemon at haluin, pag kulo ilagay naman ang honey kung meron.kapag naging heavy na ang texture isunod naman ang juice ( half muna),at haluin mabuti hanggan kumulo hayaan ng mga 5 minutes then isunod ang natirang kalahati.
   Hayaan kumulo hanggang maging sticky ang texture, hanhuin at palamigin bago isalin sa garapon.
    The best ipalaman sa mainit na tinapay at pang meryenda ng mga kids.



Comments

Popular posts from this blog

Tinapang tulingan

Ginisang ampalaya sa itlog na maalat